Magsisilbing advantage para sa Pilipinas ang pag-apruba ng World Health Organization (WHO) sa COVID-19 vaccines ng Sinovac Biotech.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, advantage ito sa bansa dahil mayorya ng mga bakuna sa bansa ay nagmumula sa nasabing brand.
Umaasa rin sila na kikilalanin ng ibang bansa ang ‘mutual recognition agreement’
Para naman kay Dr. Anna Ong-Lim, miyembro ng Technical Advisory Group (TAG) ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng emergency use listing mula sa WHO ay patunay na ang Chinese vaccines ay epektibo laban sa COVID-19.
Una nang sianbi ng WHO na ang pasok sa international standards para sa safety, efficacy at manufacturing ang Sinovac vaccines.
Facebook Comments