Pag-apruba sa Create Bill at Bayanihan 2 na makatutulong sa muling paglago ng ekonomiya ng bansa, ipinanawagan ng isang Financial Analyst

Umaasa si Financial Analyst Astro Del Castillo na maaaprubahan na ang Create Bill at Bayanihan 2 na tutulong sa ekonomiya ng Pilipinas na makabangon mula sa pagkakalugmok bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Del Castillo na maraming kumpanya sa China ang umaalis at lumilipat sa ibang kalapit na bansa sa Asya.

Bagama’t kulang para tuluyang mai-angat ang ekonomiya ng bansa sakaling mahikayat ang mga itong magnegosyo sa Pilipinas, tulong na rin ito para unti-unting makausad ang ekonomiya ng bansa.


Kasabay nito, inamin din ni Del Castillo na posibleng sa ikatlong quarter pa ng taon makakabawi ang ekonomiya ng Pilipinas bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa ngayon, pinayuhan ni Del Castillo ang publiko na samantalahin ang pag-iral ng lockdown lalo na sa mga naka-work from home para pagyamanin ang kanilang kaalaman sa financial management.

Facebook Comments