Sinisilip ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aprubahan ang karagdagang 100,000 applications para sa cash aid sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) para sa tourism sector.
Ito ang sinabi ng DOLE matapos isara ang online application para sa CAMP.
Ang CAMP ay nagbibigay ng one-time cash aid na nasa ₱5,000 sa bawat benepisyaryo, at nasa ₱3.1 billion ang budget para sa programa.
Ayon kay DOLE Information and Publication Service Director Rolly Francia, nasa 503,616 na manggagawa mula sa higit 17,000 establishments, organizations at associations sa buong bansa ang naaprubahan.
Mula sa kabuoang 521,024 CAMP beneficiaries, nasa 354,748 ang nakatanggap na ng financial assistance habang ang nasa 166,276 ay naghihintay ng disbursement.
Sa ngayon, nasa halos 495 million pesos ang natitira sa budget para sa 100,000 CAMP applicants habang mayroong 215,000 applications ang sasalang sa validation.