Pag-apruba sa pagbibigay ng karagdagang honorarium sa mga gurong nag-overtime noong eleksyon dahil sa mga nagka-aberyang VCMs, inindorso na ng COMELEC

Pormal nang inindorso ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia ang pag-apruba sa karagdagang honorarium sa mga gurong nag-overtime noong eleksyon dahil sa mga nagka-aberyang Vote Counting Machines (VCMs).

Kinumpirma rin ni COMELEC acting spokesman Atty. Rex Laudiangco na tinanggap na ng COMELEC En Banc ang nadabing proposal.

Ayon kay Laudiangco, nag-usap na rin ang poll body at ang Department of Education (DepEd) hinggil sa pagbibigay ng karagdagang honoraria sa mga nagsilbi at nag-overtime noong halalan.


Nilinaw naman ng COMELEC na hindi ito overtime pay kundi karagdagang insentibo para sa mga guro.

Facebook Comments