Pag-apruba sa subsistence allowance ng mga sundalo, dagdag suporta sa mga ito — AFP

Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagkilala sa kanilang papel sa pagtiyak ng seguridad ng bansa ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na taasan ang subsistence allowance ng mga sundalo sa P350.00 mula sa dating P150.00

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, matagal nang natalakay at naaprubahan ang umento sa subsistence allowance at sa katunayan ay nakapaloob na ito sa pambansang budget para sa taong kasalukuyan.

Binigyang diin pa ni Padilla na ang patuloy na pagsusulong sa kapakanan ng mga sundalo ay patunay lamang ng kanilang pangako na itaguyod ang kapakanan ng mga ito lalo na ang mga sundalong nasa frontline.


Ani Padilla, prayoridad ng Sandatahang Lakas ang pagbibigay ng nararapat na suporta para sa sundalo dahil ang kanilang lakas at kahandaan ay kanilang ambag sa pambansang seguridad.

Facebook Comments