Ipinapasa na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na administrasyon ang pag-apruba sa hiling na taas-pasahe ng mga grupo ng transportasyon.
Ayon kay LTFRB Executive Director Ma. Kristina Cassion, malabo nang mapagbigyan ang naturang hirit dahil kakaunti na lamang ang natitirang araw sa pwesto ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Cassion, noong Enero ay naghain ng petisyon ang transport groups para sa pagtataas ng pasahe mula P9 dahil sa patuloy na pagsirit naman ng petrolyo.
Ayon kay Cassion, ang pagdinig sa fare hike petitions ay nakatakda sa June 28 at 29, na nagkataon naman umanong huling linggo na ng Duterte administration.
Ang desisyon ukol dito ay nasa kamay na umano ng susunod na administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ngayong araw ay muli nagkaroon ng big time oil price hike kung saan ang diesel ay magtataas ng P6.55 kada litro, habang P2.70 naman sa gasolina at P5.45 naman sa kerosene.