10,000 Bamboo Seedlings, Itatanim ng mga DENR Region 2

27
Cauayan City, Isabela- Nakatakdang itanim bukas, June 8, 2022 sa iba’t-ibang lugar ng rehiyon dos ang 10,000 Bamboo Seedlings at Indigenous Tree Species ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 bilang bahagi ng Environment Month Celebration na may temang “Aksyon para sa Natatanging Mundo” na isasagawa sa buong bansa.

Pangungunahan ang aktibidad ni DENR Regional Director Gwendolyn Bambalan na lalahukan ng lahat ng empleyado ng DENR sa Cagayan Valley.

Nakasaad sa Memorandum Order na ang bawat empleyado ay magtatanim ng hindi bababa sa limang punla ng puno

Ayon kay Bambalan, mahigit sa 2,000 planters/participants ang inaasahang sasali sa aktibidad kabilang ang ilang kinatawan sa mga Local Government Units (LGUs), national government agencies, non-government organizations, uniformed personnel, youth, academe, media, at iba pang partners at stakeholders.

Maliban dito, magsasagawa rin ng iba pang aktibidad gaya ng environmental symposiums, youth camps, clean-up drives, press briefing at radio guestings, regional sports fest at team building, seedling production at pamamahagi ng mga punla at impormasyon, edukasyon at communication materials.

Facebook Comments