Pag-apruba sa Vape Regulation Bill, tinutulan ng DOH

Mariing tinutulan ng Department of Health (DOH) ang pag-apruba sa Senate Bill 2239 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Regulation Act.

Ito ay ang panukala kung saan niluluwagan ang restrictions sa vape at heated tobacco.

Sa inilabas ng pahayag ng DOH, maituturing na retrogressive o hindi nagdudulot ng mabuti ang panukala dahil naglalaman ito ng ilang probisyon na taliwas sa public health goals at international standard.


Pinapahina rin nito ang kontrol ng bansa sa paggamit ng tobacco dahil binibigyang kalayaan ang lahat na gumamit ng nicotine at non-nicotine products.

Batay sa panukala, ibinaba sa 18 anyos mula sa 21 anyos ang pwedeng gumamit ng vape na masama para sa mga kabataan.

Posible naman itong magbunga ng ilang sakit tulad ng; cardiovascular diseases, respiratory problems at explosion injuries dahil sa mga kemikal na nilalaman ng vape.

Facebook Comments