Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Bam Aquino na muling pag-aralan ang tax reform program ng pamahalaan o Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Act.
Ibinigyang diin ni Senator Aquino sa inihain niyang Senate Resolution No. 704, na magsagawa ng imbestigasyon ang kauluyang komite ng senado ukol sa epekto ng TRAIN sa inflation at sa ekonomiya.
Ang hakbang ng senador ay sa harap ng bagong pagtaya ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang inflation rate ay maaaring pumalo mula 4.2 porsiyento hanggang 4.8 porsiyento bunsod ng mataas na excise tax.
Ipinunto ni Senador Bam na inaprubahan ng kongreso ang dagdag na excise tax sa TRAIN Law dahil sa ibinigay na katiyakan ng Department of Finance na hindi hihigit sa 0.7 percent ang epekto nito sa inflation.
Tinukoy din ni Aquino na dahilan ng gagawing pagbusisi sa TRAIN law ang tumataas na presyo ng produktong petrolyo at bigas sa merkado.