Manila, Philippines – Kinokondena ng grupong Karapatan ang pag-aresto kay National Democratic Front Consultant Vicente Ladlad.
Sa inilabas na statement ng grupo, tahasang sinabi ng mga ito na paglabag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG ang pag-aresto kay Ladlad.
Naniniwala ang grupo na itinanim lang mga nakuhang baril kay Ladlad nang maaresto ito sa Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City kagabi.
Panawagan naman ng grupo sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na itigil na ang pagtatanim ng ebidensya na para lamang daw ma-justify ang pag-aresto sa mga peace advocates at right defenders.
Facebook Comments