NEWS UPDATE: Tulak ng Droga na Nasawi sa Buy Bust Operation, Ipinapanawagan ng PNP Cauayan City sa Pamilya!

*Cauayan City, Isabela-* Ipinapanawagan ngayon ng PNP Cauayan City, Isabela ang labi ng nasawing tulak ng droga na si Gilbert Guillermo ng Arellano, Quezon, Isabela matapos manlaban sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad kagabi sa brgy. Nagrumbuan, Cauayan City.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Inspector Zosimo Sambrano ang Chief Investigator ng PNP Cauayan City, sinabi nito na matagal na itong minamanmanan ng kapulisan dahil sa patuloy nitong pagbebenta ng iligal na droga.

Nakikipag ugnayan na rin sila ngayon sa pamunuan ng PNP Quezon upang malaman kung ito ay kabilang sa Drug Watchlist habang isa naman sa tinitignang lugar na pinagkukunan ng suspek ng ibinebentang Marijuana ay sa Probinsya ng Kalinga.


Dinala sa Carbonel Funeral Homes dito sa Lungsod ng Cauayan ang labi ng nasawi na si Gilbert Guillermo.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang munhunt operation ng mga otoridad laban sa nakatakas na kasama ni Guillermo matapos ang naturang operasyon.

Facebook Comments