Friday, July 24, 2026

Pag-aresto sa 2 photojournalist na nagko-cover ng rally, binatikos ni Rep. De Lima

Nakakagalit at nakakadismaya para kay House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Representative Leila De Lima ang tangkang pag-aresto ng pulisya sa dalawang photojournalist na nagko-cover kamakalawa ng kilos-protesta sa Pasay City.

Giit ni De Lima, hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng mga awtoridad dahil maliwanag naman na ginagampanan lang ng dalawang photojournalist ang trabaho nila kaya hindi sila dapat pigilan.

Ayon kay De Lima, bukod sa pagsira sa kagamitan ng dalawang mamamahayag ay higit na nakakabahala ang pangamba na maaari nitong idulot sa hanay ng media.

Hinggil dito ay nananawagan si De Lima para sa agarang pagpasa ng panukalang Journalists’ Welfare and Protection Act.

Ang mga journalists at iba pang media practitioners ay maituturing na agents of truth kaya ang pagprotekta sa kanila at sa malayang pamamahayag ay paggalang sa kanilang mga karapatan at sa ating demokrasya.

Facebook Comments