Friday, July 24, 2026

Modernisasyon ng power grid bilang tugon sa tumataas na singil sa kuryente, hiniling ng isang senador

Pinamamadali ni Senate President Sherwin Gatchalian sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang modernisasyon ng power grid para maibsan ang tumataas na singil sa kuryente.

Tinukoy ni Gatchalian na sa panibagong anunsyo ng Meralco na magtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan ay mas lalong mahalaga na mapabilis ang modernisasyon ng grid upang mabawasan ang hindi episyenteng pamamalakad at mapababa ang gastos sa kuryente sa pangmatagalan.

Naniniwala ang Senate president na ang mas episyente at flexible na power system ang susi para sa matatag at abot-kayang singil sa kuryente.

Paliwanag ng senador, sa pamamagitan ng makabagong power grid ay mas madaling maisasama sa power system ang mga decentralized energy resources (DERs) tulad ng mga solar panel sa mga bahay at mga electric vehicle (EV) charging station.

Kumpiyansa ang senador na ang makabagong power grid ay makakatulong para mapataas ang kahusayan ng sistema, mabawasan ang power losses at maging mas maayos ang paghahatid ng kuryente sa mga consumers.

Facebook Comments