Pag-aresto sa Body Guard ng Isang Pulitiko, Inalmahan!

443

Jones, Isabela- Nanindigan ang hepe ng PNP Jones, Isabela na si P/Capt. Fernando Mallilin na isang lehitimong operasyon ang kanilang isinagawa sa naarestong diumano’y miyembro ng Private Armed Group (PAG) na si Nixon Ballad, residente ng Brgy. Dibuluan, Jones, Isabela.

Ito ay sa kabila ng impormasyong ipinaabot sa 98.5 RMN Cauayan na hindi umano miyembro ng PAG ng Jones si Ballad at tinamnam lamang umano ito ng mga otoridad na dahilan ng kanyang pagkakahuli.


Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay P/Capt. Fernando Mallilin, lehitimo at dumaan sa tamang proseso ang kanilang pag-aresto sa nasabing suspek.

Dagdag pa nito, matagal na anyang minamanmanan ng Intelligence Division si Ballad kung saan dati na umano itong may record sa pulisya na miyembro ng PAG.

Magugunita na noong Noong Abril 7, 2019 ay naglatag ng Drug Buy Bust Operation ang mga otoridad sa Brgy.Minuri, Jones, Isabela laban kay Nixon Ballad kung saan nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang limang daang piso na buy bust money, isang hand grenade, isang sachet ng hinihinalang shabu, isang heat sealed ng pinatuyong dahon ng marijuana at isang unit ng motorsiklo.

Giit pa ng hepe, kung may agam-agam sa kanilang ginawang pag-aresto kay Ballad ay magtungo lamang anya sa korte upang malinawan at masagot ang kanilang pagdududa.




Facebook Comments