Dismayado si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaaresto ng mga awtoridad ang driver ng isang SUV na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City.
Kinukwestyon ni Sotto kung bakit pawang pag-iimbita lamang ang ginagawa ng mga awtoridad sa suspek gayong napakalinaw na mayroon itong violation at lubhang delikado.
Para kay Sotto, ang ginawa ng suspek ay maaring ituring na tangkang pagpatay sa biktimang security guard na matapos nitong mabangga ay sinasagasaan pa base sa kumalat na video footage.
Sabi ni Sotto, kitang-kita ang nangyari na hindi gawain ng isang matinong driver na kahit aso o pusa ay iniiwasang mabangga.
Diin ni Sotto, ang malamyang aksyon ng mga awtoridad laban sa suspek ay naghahatid ng hindi magandang mensahe sa publiko at sa drivers na tila okay lang takasan kung may nagawang paglabag dahil mukhang mahina ang ating mga awtoridad.