
Lubhang nakababahala para kay Senator Risa Hontiveros ang pagkakadakip ng mga awtoridad sa Chinese national na hinihinalang espiya malapit sa opisina ng Commission on Election (COMELEC) sa Maynila.
Ayon kary Hontiveros, nagdudulot ito ng pangamba hindi lang sa nalalapit na eleksyon kun’di maging sa pambansang seguridad.
Mayroon din aniya itong seryosong implikasyon na maidudulot sa hindi magandang relasyon ngayon ng bansa at ng China.
Tanong tuloy ng senadora na nang-aangkin na nga ng teritoryo ng Pilipinas ang China pati sa eleksyon ay makikialam pa rin.
Pagbibigay-diin pa ng mambabatas, palaging maging vigilant ang gobyerno at huwag hayaan na dayuhan ang manghimasok sa takbo ng politika, seguridad at demokrasya ng bansa.
Facebook Comments









