Pag-aresto sa mas marami pang illegal aliens, ibinabala ng DOJ

Manila, Philippines – Ibinabala ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang gagawing pag-aresto sa mas marami pang illegal aliens sa bansa.

Sa harap ito ng patuloy na pagdagsa ng mga dayuhang iligal na nagtatrabaho sa Pilipinas.

Ayon kay Guevarra, lalo pang hinigpitan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapatupad ng immigration laws.


Unang naaresto ng BI sa magkakasunod na operasyon ang mga Chinese na iligal na nagtatrabaho sa shopping malls sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Ilan ding Korean nationals na iligal na nagtatrabaho sa bansa ang kabilang sa mga naaresto ng immigration officers.

Facebook Comments