Pag-aresto sa mga jeepney drivers na sobra maningil ng pamasahe, ipinag-utos ng LTFRB

Nakatakdang magkasa ng operasyon ngayong linggo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga pampasaherong jeep sa Cavite na sangkot sa overcharging ng pamasahe.

Ayon kay LTFRB executive director Tina Cassion, makikipag-ugnayan sila sa kanilang mga traffic enforcer sa CALABARZON upang arestuhin ang mga tsuper at operator na sobra maningil ng pamasahe.

Giit ni Cassion, hindi dapat pinupwersa ang mga pasahero na magbayad ng lampas sa minimum fare at dapat silang suklian nang maayos.


Aniya, may mga petisyon naman na para sa dagdag-pasahe kaya mainam na hintayin na ang desisyon dito ng LTFRB.

Facebook Comments