Manila, Philippines – Kinundena ng oposisyon ang pagkakaaresto kay Rappler Chief Maria Ressa.
Ayon kay Akbayan Partylist Representative Tom Villarin, ang ginawang pag-aresto sa batikang journalist ay naghahatid ng ‘chilling signal’ sa mga mamahayag sa bansa na nakakaranas ng pag-atake mula sa pamahalaan.
Naniniwala ang mambabatas na ang pagdakip kay Ressa ay layong pigilan ang kalayaan sa pamamahayag lalo na sa mga nagsasabi ng katotohanan.
Nagbabala ang kongresista na maituturing ang lahat na ‘maria Ressa’ na posibleng targetin din ng pamahalaan partikular na ang mga kritiko ng gobyerno.
Hinimok ni Villarin ang mga mamamahayag na labanan ang mga pag-atake sa press freedom at huwag hayaang maulit ito sa iba.
Facebook Comments