Pag-aresto sa suspek sa pagpatay sa opisyal ng Kamara, simula pa lang ng daan para sa pagkamit ng hustisya

Para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, isang mahalagang hakbang sa hinahangad na hustisya ang pag-aresto sa dalawang suspek na sangkot umano sa pagpatay sa opisyal ng Kamara na si Director Mauricio “Morie” Pulhin.

Pero giit ni Romualdez, simula pa lang ito ng daan para mapanagot ang lahat ng sangkot lalo na ang utak sa krimen.

Ang dalawang suspek, na natukoy sa imbestigasyon bilang middleman at isang look out, ay inupahan umano ng mag-asawang dating empleyado ni Pulhin at plano sanang sampahan ng kasong qualified theft at estafa.

Babala ni Romualdez sa mga salarin na hindi pa nahuhuli, hindi nila matatakasan ang kanilang ginawang krimen at babagsak din sila sa kamay ng batas.

Tiniyak din ni Speaker Romualdez sa pamilya ni Pulhin na patuloy na makipagtutulungan ang Kamara sa mga awtoridad upang matiyak na makamit nila ang hustisya.

Facebook Comments