Mariing kinundena ng grupong Nagkaisa Labor Coalition ang pag-aresto sa tatlong youth activists sa inagurasyon ni Panguling Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sina RJ Naguit ng Akbayan Youth at Benjamin Alvero at Jane Labongray ng Sentro Youth ay pinagdadampot habang nagsasagawa ng lightning banner hanging activity sa footbridge malapit sa CHR sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, QC.
Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairman Atty. Sonny Matula, kinalakad umano ang tatlong mga Youth Leader ng mga pulis at kinasuhan kahit pagkatapos sa maikling aksyon kung saan ang banner ay sapilitang hinablot mula sa tatlo at pagkatapos ay kinaladkad patungo sa mobile patrol ng mga pulis.
Paliwanag ni Atty. Matula, tumanggi umanong ipaliwanag ng mga pulis kung bakit inaresto ang tatlong mga youth leaders at ikinulong.
Dagdag pa ni Matula na si Jane Labongray ay kinaladkad sa braso batok kahit na nakiusap sa mga pulis na sangkot sa pag-areato sa mga youth leader.