Chief-of-Staff at DepEd Undersecretary Nepo Malaluan, binakante na ang kaniyang posisyon

113

Personal na sumulat at nagpasalamat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones si DepEd Undersecretary Nepo Malaluan.

Una rito, eksaktong alas-dose ng tanghali kahapon ng bakantehin ni Malaluan ang kaniyang opisina at position bilang DepEd Undersecretary at Chief-of-Staff ni Secretary Briones, kung saan nakumpleto nito ang kanyang serbisyo at nagsilbi bilang coterminous appointment.

Pinasalamatan ni Malaluan ang lahat ng mga nagtiwala sa kanya at oportunidad upang paglingkuran ang mga mag-aaral at ng publiko.


Binigyang diin pa ni Malaluan na isa umanong malaking karangalan at pribilihiyo sa kanya na makapagtrabaho sa kanilang lahat sa Department of Education.

Facebook Comments