Pag-asa para sa mga Pilipino na ipinaglaban ni Gat Andre Bonifacio, hindi natin dapat hayaang maglaho

Nanawagan si Senator Francis Kiko Pangilinan sa mamamayan na huwag hayaan na muling mamatay ang pag-asa sa kamay ng ilan na walang hinangad kundi kapangyarihan, hindi ang kapakanan ng taong bayan.

Hiling ito ni Pangilinan sa taumbayan kaugnay sa ipinagdiriwang ngayon na 158th birth anniversary ni Gat Andres Bonifacio.

Sabi ni Pangilinanan, si Bonifacio ay may lihim na pangalang Maypag-asa at tunay siyang naging pag-asa sa paglaya ng Pilipinas mula sa pananakop ng dayuhang Espanya.


Diin ni Pangilinan, ngayon ay humaharap tayo sa isa na namang madilim na yugto ng bansa kung saan may matinding krisis pang-kalusugan, pang-ekonomiya at korupsyon sa ating bayan.

Ayon kay Pangilinan, sa harap ng mga hamong ito ay mainam na bitbitin natin ang diwa ng rebolusyon ng dakilang pag-ibig na isinulong ni Gat Andres dahil radikal Ang Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa.

Giit ni Pangilinan, “Sa Radikal na Pagmamahal lamang Maypag-asa ang Bayan.”

Facebook Comments