Pag-atake ng 3 hinihinalang suicide bombers sa Indanan, Sulu posibleng paghihiganti

Hindi inaalis ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad na paghihiganti ang pakay ng tatlong hinihinalang suicide bombers na umatake sa militar sa Sitio Itawon Barangay Kan Islam Indanan, Sulu kahapon.

Kasunod ito ng pagkamatay ng lider ng ISIS na si Abu Bakr Al Bagdhadi sa Estados Unidos nang nakalipas na buwan.

Nabatid na dalawa sa nasawing suicide bombers ay mga banyagang terorista na nasa ilalim ng pamumuno ni ASG sub leader Hajib Sawadjaan na kinilala sa mga pangalang Abduramil at Adbdurahman na umano’y asawa at anak ng babaeng suicide bomber na umatake sa military post sa Barangay Tagbak Indanan Sulu nitong September 8, 2019.


Ayon kay Western Mindanao Command Commander Lt. General Cirilito Sobejana, mas paiigtingin pa nila ang pagbabantay sa Sulu lalo at ito ang puntirya ng mga pag-atake ng mga terorista ng mga nakalipas na buwan.

Inatasan niya na raw ang mga unit sa Sulu na mas maging alerto sa posibleng pag-atake ng mga terorista.

Facebook Comments