Pag-atake ng ISIS sa Parang Maguindanao , Imposible-PNP

Pinabulaanan ng Parang PNP ang napabalitang may nakapasok na mga armado sa kanilang bayan at di umanoy nagpakilalang mga elemento ng ISIS at nanghaluhog pa ng isang Birthing Clinic sa Brgy Making madaling araw kahapon.

Sinasabing mga magnanakaw lamang umano ang tatlong lalaki na tumangay ng ilang gadget at cash ng 3 mga Brgy. Health Workers ayon pa kay Chief Inspector Erwin Tabora hepe ng Parang MPS.

Bagaman napakaimposible na namakapasok sa kanilang bayan, mas lalo pang naghigpit ngayon ng seguridad ang Parang PNP para di malusutan ng mga masasamang loob giit ni Tabora.


Nagpaalala naman si Tabora sa publiko na huwag mangamba at maniwala sa mga haka hakang balita bagkus maging mapagmatyag pa.

PIC:PARANG MPS

Facebook Comments