2018 Budget ng ARMM pasado na sa Kogreso

Aprobado na ng Kongreso ang 2018 Budget ng Autonomous Region in Muslim Mindanao .Sinasabing umabot lamang sa halos tatlong minuto ang deliberasyon ng aprubahan ang P33.469 bilyong budget.

Ang panukalang budget ay inisponsor ni Cong. Mohamad Khalid Dimaporo mula sa unang distrito ng Lanao del Norte.

Lubos namang nagpasalamat si ARMM Governor Mujiv Hataman sa lahat ng mga taga Kongreso sa suporta at tiwala ng mga ito.


Inaasahang pag -uusapan ng Senado ang ARMM budget sa committee level ngayong Lunes, ika-18 ng Setyembre.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments