Marawi City, Philippines – Kinundena ng Commission on Human Rights ang pag-atake ng teroristang Maute sa siyudad ng Marawi.
Kasunod nito umapela ang CHR sa publiko na ipagdasal ang mga residente naiipit at apektado sa nagpapatuloy na sagupaan ng militar at mga terorista.
Ayon sa CHR, hangad nila ang kaligtasan ng mga sundalo pulis at iba pang ahensya ng pamahalaan para ipagtangol ang sambayanang Pilipino.
Samantala, nakabantay ang CHR kasunod ng pagdedeklara ng batas militar ng gobyerno sa buong Mindanao at umaasa sila na hindi maabuso ang karapatang pantao.
Dapat din manatiling makapangyarihan ang kongreso at civilian court, para mabalanse at hindi maabuso ang martial law.
DZXL558
Facebook Comments