Pag-atake ng NPA sa Masbate, isang ‘international crime’ ayon sa Palasyo

Maaaring parusahan ang mga rebeldeng komunista dahil sa ginawa nilang international crime.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos maglunsad ang New People’s Army (NPA) ng landmine attack na ikinamatay ng dalawang katao sa Masbate.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang NPA rebels na nasa likod ng pag-atake sa Masbate ay ‘guilty’ sa paglabag sa 1997 international agreement na nagbabawal sa paggamit ng anti-personnel landmines.


Aniya, ipinagbabawal ito sa ilalim ng Ottawa Convention at maituturing itong crime against humanity at war crime.

Kabilang sa mga nasawi ay football varsity player ng Far Eastern University (FEU) na si Keith Absalon at kanyang pinsan na si Nolven Absalon.

Una nang naghayag ng pagkondena si Pangulong Rodrigo Duterte sa insidente.

Facebook Comments