Iginiit ng ilang kongresista sa Kamara na ang patuloy na red-tagging ay isang tumitinding pag-atake sa oposisyon.
Nababahala ang Makabayan na hindi lamang ito pag-atake sa kanilang grupo kundi sa lahat ng mga kritiko na lalo pang lulubha sa pagsapit ng eleksyon.
Giit ng Makabayan, hindi dapat ang red-tagging ang pinagkakaabalahan ng pamahalaan.
Anila, dapat na mas pagtuunan ng pansin na maresolba ang pagtaas sa presyo ng langis, unemployment, at mataas na presyo ng bilihin.
Hinimok ng Makabayan ang mga Local Government Units (LGUs) na magpatupad ng mga preventive at protective policies na magbabawal sa mga posters laban sa red-tagging.
Nanawagan din ang grupo sa Commission on Elections (COMELEC) at sa Office of the Ombudsman na aksyunan na rin ang mga kasong inihain laban kay NTF-ELCAC Spokesperson Lorraine Badoy at iba pang opisyal na nangunguna rin sa red-tagging operations ng pamahalaan.