Pangulong Duterte, nananatiling neutral at walang ieendorsong kandidato sa pagkapangulo

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mag-eendorso ng kandidato sa pagkapangulo sa kaugnay nang nalalapit na eleksyon 2022.

Ayon kay Pangulong Duterte, nananatili siyang neutral at walang kinikilingan.

Ito ay sa kabila nang mga panawagan lalo na ng kanyang mga kaalyado na suportahan nito si dating Sen. Ferdinand Bongbong Marcos.


Giit ng pangulo, lahat ng mga tumatakbo ay hangad niyang manalo pero hindi aniya niya sasabihing iboto niyo ang isang partikular na indibidwal lalo na yung tumatakbo sa pagkapangulo ng bansa.

Matatandaang makailang beses nang sinabi ng pangulo na wala siyang susuportahang kandidato sa pagkapangulo maliban na lamang kung may mabigat na rason o compelling reason at siya ay mananatili lamang neutral.

Facebook Comments