Pag-atras ni Biden sa US Presidential Elections, isang “statemanship” —PBBM

Ilang oras bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA), naglabas pa ng pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng pag-atras ni US President Joe Biden sa US Presidential Elections.

Ayon kay Pangulong Marcos, pagpapakita ito ng isang tunay na pagiging statesman ni Biden.

Hangad aniya ng pangulo na maging maayos ang natitirang panahon sa pagka pangulo ni Biden gayundin sa kaniyang mga susunod pang adhikain.


Nagpasalamat din ang pangulo kay President Biden sa suporta nito sa Pilipinas sa panahon ng maraming hamon.

Samantala, inendorso naman ni Biden si US Vice President Kamala Harris bilang kanyang kapalit para kalabanin si dating US President Donald Trump.

Facebook Comments