Senator Bong Go, umatras na sa 2022 presidential race!

108

Umatras na si Senator Christopher “Bong” Go sa pagtakbo sa pagkapangulo sa darating na 2022 National and Local Elections.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Go na napagtanto niyang hindi pa napapanahon ang pagtakbo nito sa pinakamataas na posisyon ng bansa.

Malaking konsiderasyon din aniya sa kaniyang pag-atras si Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang maipit sa pagitan nila ni Presidential Daughter Sara Duterte-Carpio.


Maging ang kaniyang pamilya ay hindi rin aniya pabor sa kaniyang pagtakbo.

Dagdag pa nito, handa siyang gawin ang ‘supreme sacrifice’ para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Kasabay nito, nanawagan si Go sa mga nais tumakbo sa pagkapangulo na unahin ang kapakanan at interes ng taumbayan.



Facebook Comments