Pag-auction sa mga alahas ni Imelda Marcos, patunay lamang ng katiwalian – Bayan

Manila, Philippines – Nangangahulugan ang pag-apruba ng auction ng mga alahas na nakuha kay dating Unang Ginang Imelda Marcos ay malinaw na patunay ng ill-gotten wealth at kurapsyon sa panahon ng diktadura ng rehimeng Marcos.

Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan o Bayan, patunay lamang ito ng napakalaking yaman ang naipon ng pamilya Marcos lalo na sa panahon ng martial law hanggang sila ay napatalsik noong 1986.

Pero ang masaklap ayon sa Bayan hanggang ngayon ay walang totoong pananagutan ang mga Marcos sa nangyari.


Inihalimbawa pa ng grupo na ang mga nakaw na yaman ng mga Marcos ay nagagamit ngayon para sila ay patuloy na maluklok sa pwesto.

Matatandaang kahapon nagbigay na ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte para i-auction ang higit sa P700 milyon halaga ng mga alahas ni Imelda Marcos o mas kilala sa Hawaii collection.

Facebook Comments