Suspek sa Pagpatay sa Isang Kapitan, Tukoy na!

689

*Tuguegarao City, Cagayan*- Mayroon nang sinusundang gabay ang mga otoridad sa itinuturong suspek sa pagpatay kay Brgy. Captain Orlino Gannaban ng Lallayug, Tuao, Cagayan.

Ito ang inihayag ni P/Maj. Raymond Asistores, hepe ng PNP Tuao sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.


Ayon kay Asistores, personal na kinilala ng testigo ang suspek base na rin sa Facial Composite Sketch ng nasabing suspek.

Ang nasabing suspek ay tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 anyos na may taas na 5’3 hanggang 5’5, moreno at may bilugang mukha.

Dagdag ni P/Maj. Asistores, nakikipag-ugnayan ngayon ang mga awtoridad sa mga karatig bayan dahil ang ipinalabas na facial composite sketch ng suspek ay tugma sa larawan ng ilang mga wanted na personalidad na nasa listahan ng kapulisan.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagtugis ng mga otoridad sa hindi pa pinapapangalanang suspek sa nangyaring krimen.

Facebook Comments

From Advertisers