Naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na hindi magandang simula para sa grupong 1Sambayan ang pag-ayaw ng ilan sa kanilang nominado para sa 2022 election.
Ayon kay Lacson, lahat naman ng nominado sa 1Sambayan ay kwalipikado na tumakbo.
Pero ang pagtanggi ng apat sa anim na nominado ng grupo ay hindi makakabuti sa grupo.
Sabi pa ni Lacson, tinanggihan ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pagkakasama sa listahan ng 1Sambayan dahil siya ang may-akda ng Anti-Terrorism Act at ang ilang miyembro ng grupo ay petitioners laban sa naturang batas.
Una nang tinukoy ng 1Sambayan ang posibleng nominado sa pagkapangulo at bise presidente na sina Vice President Leni Robredo, Senator Grace Poe, former Senator Antonio Trillanes IV, CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva, Batangas Rep. Vilma Santos, at human rights lawyer Chel Diokno.