Thursday, March 19, 2026

Pag-ban sa mga menor de edad na gumamit ng social media, isusulong ng isang senador

Pinag-aaralan ni Senator Sherwin Gatchalian ang pag-ban o pagbabawal sa mga menor de edad ng paggamit ng social media.

Kasunod ito ng ulat ng pulisya tungkol sa napigilang planong mass shooting sa paaralan ng grupo ng mga teenagers sa Laguna.

Ayon kay Gatchalian, ang planong pag-atakeng ito ng mga kabataan ay dapat na magsilbing wake-up call sa Philippine National Police (PNP) at nakakaalarma na ang isang online gaming community ay posibleng nakaimpluwensya sa mga kabataan para gumawa ng karahasan.

Nakakabahala rin aniya ang estado ng mental health ng mga estudyante kaya binigyang diin ng senador ang pangangailangan na mas pinalakas na school-based support systems.

Bunsod nito ay planong maghain ni Gatchalian ng panukala kung saan ang mga minors na edad 16 taong gulang pababa ay iba-ban sa paggamit ng social media.

Ang hakbang na ito ay nauna na ring ginawa ng mga bansang Australia, Denmark at Norway.

Facebook Comments