Pag-basura na sa RTL, muling ipinanawagan ng oposisyon

Hinimok ng oposisyon sa Kamara na ibasura na ang Rice Tariffication Law (RTL).

Ayon kay House Minority Leader Benny Abante, kung ngayon ay naiisip na ni Pangulong Duterte ang paghihirap ng mga local farmers kasunod ng utos nito na suspendihin ang importasyon ng bigas para bigyang daan ang harvest season sa bansa ay dapat na i-repeal na ang rice liberalization law.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na mayroon na silang panukalang inihain para sa pag-repeal sa batas ng pagluwag sa rice importation sa bansa.


Bukod dito, mayroon ding panukalang inihain ang MAKABAYAN para sa Rice Industry Development Act (RIDA) na mangangalaga naman sa kabuhayan at kapakanan ng mga magsasaka at tumitiyak sa food sufficiency ng bansa.

Kinalampag ni Zarate ang Kongreso na gawan ng paraan sa lalong madaling panahon ang lumalalang epekto ng RTL.

Hinamon din nito ang mga kasamahang kongresista na seryosohin at pag-aralan na ang tuluyang pag-basura sa batas.

Facebook Comments