Pinarerekunsidera ni Cagayan de Oro City Representative Rufus Rodriguez kay Pangulong Duterte ang pagpapatigil nito sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Rodriguez, dapat irekunsidera ni Pangulong Duterte ang kanyang desisyon na i-terminate ang VFA.
Bagama’t may kapangyarihan ang Punong Ehekutibo para gawin ang pagbuwag sa kasunduan, hindi ito makabubuti sa interes at seguridad ng bansa.
Binanggit ni Rodriguez ang umiiral pa ring territorial conflict ng Pilipinas sa China dahil sa usapin ng exclusive economic zone sa West Philippine Sea.
Kasama na dito ang harassment sa mga mangingisda sa Panatag Shoal at tangkang pagpigil sa resupply sa barko ng Philippine Navy na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sabi ng kongresista, tanging ang Estados Unidos sa ilalim ng Mutual Defense Treaty at ng VFA ang maaaring sumaklolo sakaling magkaroon ng pag-atake sa mga barko ng Pilipinas sa South China Sea.