Pag-boycott sa mga imported na sibuyas, ipinanawagan ng isang senador

Nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel na kung maaari ay i-boycott na lang ng lahat ng mga mamimili ang pagbili ng mga imported na sibuyas o bawasan ang kunsumo nito.

Ito ang naging apela ng opposition senator sa gitna na rin ng planong pag-aangkat ng Department of Agriculture (DA) ng 21,060 metriko toneladang sibuyas na aniya’y wala sa panahon.

Apela ni Pimentel, magsama-sama na ang lahat para labanan ang hoarding at price fixing ng sibuyas.


Malaki aniya ang kwestyon sa ‘timing’ ng importasyon ng sibuyas na gagawin ng pamahalaan kung kailan papalapit na ang panahon ng anihan ng locally-produced na sibuyas.

Kung kailangan aniyang i-boycott ang pagbili ng sibuyas o kaya ay bawasan ang kunsumo ng imported onion ay gawin na dapat ito.

Dagdag pa ni Pimentel, mas dapat na atupagin ngayon ng DA ang pagtugis at pagpaparusa sa mga sinasabing cartel o mga sindikatong hoarders at traders upang masawata na ang manipulasyon ng mga ito sa agricultural products na pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Facebook Comments