PRO2 ACTING PBGEN. RUMBAOA, TIWALA NA WALANG VALLEYCOPS NA SANGKOT SA ILLEGAL DRUGS

Kumpiyansa si Acting Regional Director PBGen. Percival Rumbaoa ng Police Regional Office 2 na walang higher rank official at rank-and-file ng PRO2 na sangkot sa illegal drug trade.

Ito ang kanyang inihayag sa pulong balitaan kasunod ng panawagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na magsumite ng courtesy resignation.

Kabilang sa mga top ranking official na nagsumite ay mismong si PBGen. Rumbaoa at labingwalong colonel.

Ginawa umano nila ang hakbang upang linisin ang kanilang pangalan at patunayan na kaisa sila sa internal cleansing program para sa pagbabago ng organisasyon.

Kaugnay nito, patuloy rin ang ginagawang random at mandatory drug testing sa lahat ng miyembro ng PNP sa rehiyon.

Facebook Comments