Tinawag na kuwestyonable at nalantad sa tunggaliang legal ang naging hakbang ni House Speaker Alan Peter Cayetano na i-convene ang Kamara bilang Committee of the Whole at bigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN.
Sa isang statement, sinabi ni Atty. Larry Gadon na iregular ang pagbuo ng Committee of the Whole.
Ito ay ‘di pangkaraniwang nagagamit at tuwing sa lubhang kinakailangang sitwasyon na nangyayari kung saan isinasantabi nito ang mga alituntunin.
Kahit aniya ang mga panukalang batas na sertipikadong urgent ng Presidente ay hindi nabigyan ng ganitong klaseng railroading accommodation.
Dahil sa lightning approval, nasagasaan tuloy ang floor discussion at debates, walang nangyaring public hearing kung saan parehong nakapaghain ng posisyon ang mga pro at ang mga nagsasabing may violations ang ABS-CBN.
Ani Gadon, ang hakbang ni Cayetano ay nagbigay ng natatanging adbentahe sa isang private entity na binubusisi pa kung karapat-dapat itong mabigyan ng naturang pribelehiyo.