Manila, Philippines – Para kay Senate Majority Leader Tito Sotto III, napapanahon na para pulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Security Council.
Ang mungkahi ni Senator Sotto ay kasunod ng pahayag ng Defense Minister ng Indonesia na mayroong 1,200 Islamic state operatives ang nasa Pilipinas.
Kabilang sa National Security Council ang mga security officials, gayundin ang mga dating pangulo at lider ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso.
Paliwanag ni Sotto, kailangan pulungin ang National Security Council para magkaroon ng full assessment ang ating pamahalaan sa security situation sa bansa.
Sa naturang pulong din aniya matatalakay kung ano ang nararapat na habakng para maiwasan ang pagpasok pa ng mga operatiba ng ISIS at mapigilan ang anumang planong terror attack.
DZXL558