Pag-cremate sa mga nasawi dahil sa COVID-19, mananatili ayon sa DOH

Hindi babaguhin ng Department of Health (DOH) ang mga umiiral na COVID-19 protocols hinggil sa namamatay dahil sa sakit.

Partikular na tinukoy rito ni DOH officer-in-charge at Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagcremate sa mga ito.

Pinaalala ni Vergeire sa publiko na ang cremation process sa mga pasyenteng namamatay sa COVID-19 ay bahagi ng memorandum ng ahensya na inilabas noong March 2020.


Paliwanag ng opisyal, maaari pa rin kasing makahawa ang isang taong nasawi mula sa isang nakakahawang sakit, katulad na lamang ng COVID-19.

Batay sa huling datos ng DOH, nasa 60,762 na ang nasawing Pilipino dahil sa COVID-19

Facebook Comments