Tatlong hinihinalaang drug pusher, arestado sa Muntinlupa City

64

Kalaboso ang tatlong hinihinalaang tulak sa iligal na droga makaraang maaresto sa isinagawang buybust operation sa Philippine National Railways (PNR) site, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ronald Natividad 40 anyos, Arwin Villamor 33 anyos at Erwin Cadalin 26 anyos.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Muntinlupa City Police Station, nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa City Police Station sa PNR site, Barangay Putatan, Muntinlupa City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.


Narekober sa mga suspek ang humigit kumulang 15 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱102,000.00 at ₱500.00 buy bust money.

Paglabag sa Republic Act (R.A.) 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang mga suspek.

Facebook Comments