MANILA – Kinumpirma ng Commission on Elections na kumpleto na ang pagdeliver ng mga Vote Counting Machines (VCM) at ilang election paraphernalia sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.Bukod dito, natapos na rin ang pag-deliver ng mga election ballots sa mga polling precincts.Kasama rin sa pinaghahandaan ng poll body ang posibilidad na mailagay sa comelec control ang Marawi City, Abra at Northern Samar dahil sa election related violence sa lugar.Ayon kay Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration, Deputy Director General Danilo Constatino, handa nang i-deploy ang tatlong libong pulis sa iba’t-ibang panig ng bansa para magbantay sa eleksyon.Sinabi din ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Civil Relations Office Captain Frank Sayson, binuksan na rin sa media ang national monitoring center sa Camp Aguinaldo.Kasabay nito, nag-inspeksyon na rin ang PNP sa National Canvassing Center ng Comelec sa Philippine International Convention center (PICC) sa Pasay City.
Pag-Deliver Ng Mga Vote Counting Machines At Ilang Election Paraphernalias Sa Iba’T-Ibang Lugar Sa Bansa – Tapos Na
Facebook Comments