Sumilao Farmers Na Naglakad Mula Bukidnon, Dumating Na Sa Metro Manila Bilang Suporta Kay Robredo

10

MANILA – Puno ng emosyon ang pagsalubong ni Tricia Robredo, pangalawang anak ni Liberal Party (LP) Vice Presidential Candidate Leni Robredo sa Sumilao farmers pagdating nila sa Metro Manila kahapon (Martes).Dito hindi di napigilan ni Tricia na maiyak nang isa-isa niyang yakapin ang mga magsasaka, na ilang araw nang naglalakad mula Bukidnon papuntang maynila bilang suporta sa kandidatura ng kanyang ina.Ayon kay Tricia, isa sa pinaghuhugutan nilang magkakapatid ng ligaya tuwing nalulungkot ang kuwento ng Sumilao farmers.Bilang miyembro ng Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal (saligan), ipinagtanggol ni Robredo ang karapatan ng mga magsasaka sa kanilang lupain.Bilang kanilang abogado, gumawa si Leni ng resolusyon na nagpapahayag ng suporta at pinirmahan naman ng lokal na pamahalaan ng naga.Ayon sa mga political analysts, ang karera sa pagkabise-presidente ay sa pagitan na lang nina Robredo at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ilang araw bago ang eleksyon.

Facebook Comments