Kinumpirma ni Energy Sec. Alfonso Cusi na noong October 2020 pa sinimulan ng Pilipinas ang pagpapatuloy ng petroleum activities sa West Philippine Sea (WPS).
Tugon ito ni Cusi sa pahayag ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na dapat mag-develop na ang Pilipinas ng Exclusive Economic Zone (EEZ).
Sinabi pa ni Cusi na patuloy rin ang kanilang paghahanap ng investors para sa oil exploration sa WPS.
Sa katunayan aniya, nakapag-award na rin sila ng mga bagong kontrata sa mga investors na magde-develop sa Exclusive Economic Zones ng Pilipinas.
Partikular sa tatlong oil exploration blocks sa West Philippine Sea o ang Nominated Areas 6, 7, at 8 sa ilalim ng Philippine Conventional Energy Contracting Program (PCECP).
Facebook Comments