Pag-dine-in at interzonal leisure travel sa Metro Manila, ligtas para sa publiko – DOT

Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na ligtas sa posibleng pagkahawa sa COVID-19 na payagan ang dine-in at interzonal leisure travel sa mga residente ng Metro Manila ngayong isasailalim ito sa Alert Level 4 classification.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, mas ligtas ang indoor at al fresco dining dahil 99% ng tourism workers na nagtatrabaho sa hotels sa National Capital Region (NCR) ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Kabuuan itong 94% ng vaccination rate sa rehiyon kasama ang mga manggagawa sa DOT-accredited restaurants.


Malaking tulong naman sa muling pagsigla ng ekonomiya ang pagpapahintulot sa fully vaccinated guests na makapasok sa dine-in restaurants.

Sa kabila nito, muli namang ipinaalala ng kalihim na bawal pa rin ang staycation, indoor tourist attractions, at indoor venues para sa meetings, incentives, conferences at exhibitions.

Hindi rin papayagan ang 18-anyos pababa at 65-anyos pataas na lumabas ng bahay para sa leisure travel.

Facebook Comments