San Fernando City, La Union – Sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking kahapon nangako ang mga taga Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 na mas pa-iigtingin nila ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga.
Sa ngayon tututukan ng PDEA Region 1 ang pagpapatupad ng Oplan Harabas kung saan isasailalim sa mandatory drug test ang mga drivers na naghahatid sundo ng mga estudyante. Katuwang ng ahensya ang PNP, LTO, at LTFRB sa pagpapatupad ng nasabing kampanya kontra ilegal na droga.
Sa ilalim ng Oplan Harabas obligado ang mga driver ng pampubliko at pribadong sasakyan na naghahatid ng mga estudyante na mag-undergo sa drug test. Ngunit paglilinaw ng ahensya na ang mga mapapatunayang magpositibo ay irerekomendang huminto muna sa pagpapasada at mag-undergo sa rehabilitation.
Sa Dagupan City tatlo na ang mga driver na nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa simula ng Oplan Harabas. Magtutuloy-tuloy umano ang sorpresang pagpapatupad ng nasabing kampanya upang masawata ang mga driver na gumagamit ng ilegal na droga.