Wednesday, April 8, 2026

Pag-dulong ni VP Duterte sa Supreme Court, nagpapakita na gipit at desperado na ito

“Ang VP Sara na gipit, sa Supreme Court kumakapit.”

Ito ang binigyang diin ni Akbayan Rep. Perci Cendaña matapos mahain ng petisyon sa Supreme Court kahapon si Vice President Sara Duterte at kanyang mga abogado sa layuning pigilan ang nagpapatuloy na impeachment proceedings laban sa kanya sa House Committee on Justice.

Para kay Cendaña, ang hakbang ni VP Duterte ay nagpapakita ng pagiging disparado at kumpirmasyon na wala talaga balak si VP Sara na harapin ang mga kaso laban sa kanya.

Diin ni Cendaña, malinaw na takot sa katotohanan si VP Duterte kaya pilit nitong pinipigilan na lumabas ang mga ebidensya dahil wala na syang takas.

Naniniwala naman si House Senior Deputy Minority Leader and Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima na akala siguro ng kampo ni VP Duterte na ang Kataas-taasang hukuman ay “Sara’s Court” na pwede nila laging takbuhan para pagtakpan ang kaduwagan at pagtakas sa pananagutan.

Facebook Comments